Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
HomePhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketMar 13, 2007
Ang buhay ay isang bahaghari.May malungkot.may masaya. May nakakabato.May nakalalagim.May dapat pandirihan.May masakit.May puot.May nakakapanghinayang.May dapat pagsisihan ngunit may mga aral na idinulot.Ngunit di tulad ng makulay na ilaw sa kalangitan, iisa lang ang kulay ng aking bahaghari...ITIM.Darating din ang araw na mapupunan ng ibang mga kulay ang aking bahaghari...

Blog EntryApr 6, '07 5:50 AM
for everyone

            Patay na ba ako?... mga anghel ba tong nakatingin sa akin?...kung langit man ito, bakit amoy ospital?

 

            “Olah! princess Benjie!”

 

 Kilala ko kung kaninong matining na boses yun: si Felix, ang kaibigan ko mula pa ng college, na di naming inasahang pati sa trabaho’y magkasama pa rin kami.

 

“Hay sister, ano bang nangyari sa’yo? Bat ka ba naglaslas?” andito rin pala si Alan, isa ko pang kasamahan sa trabaho.

 

“Tange, hindi ako naglaslas!hindi ako ganun kadespirado no.

It was a dumb accident.Kahahagis ng barya, ayan na masaker ang pulso ko…Gaano na ba ako katagal dito sa ospital?”

 

“You’re confined for almost 2 days na.Sobrang worried ang nanay mo,nagsusumbong sa akin.Kung may problema ka ba raw?Nakakaloka nanay mo.Sabi ko na lang pagod ka lang siguro from the holiday rush.”

 

“Kamusta naman ang office scene?”segue ko agad sabay abot sa akin ni Felix ng ponkan na kanyang binalatan.

 

“Hay, naku ganun pa rin!BULOK! ang daming nagsisi-alisan.Ewan kung anong masamang hangin ang dumapo sa mga yun.Pero alarming ha! Imagine, every week may nag-reresign”

 

“Alam mo ba naman ang patakbo sa opisina,Marce! Incentives di na nabibigay on time, yung politika grabe! Kulang na lang himurin nila yung mga puwit ng mga boss para lang mapromote!Arrgghh…As in whatever!”

 

“Ey, busina ka na muna Alan! Supervisor mo ko, part pa rin ng management. Pero true yung sinabi ni Alan.Minamadali kaming mga first line supervisor ibigay yung report ng incentives para makuha na ng mga ahente.Kung mang-apura para silang natatae.Pero diyos ko,tatlong buwan na di pa nila naibibigay,naiipon na nga e”

 

“Hay, naku change topic na nga.Kamusta naman ikaw Felix, how are you coping with Paul’s lost?”

 

“Don’t say that! Paul deserves it!” sabat ni Alan.

 

“Alan—“

 

“Hay naku huwag mo nang itago Felix para naman nating di kilala ang mga bituka natin. Hay, naku yung magaling nyang jowa ayun may katuntingan iba, at mind you Benjie, the new guy is just within the office…”

 

Hay eto ang gusto gusto ko kay Alan. Prangka. Taklesa. No holds bar kung sumagot. Pero nakakaasar din minsan kasi parang out of place din sya kung bumirada ng kataklesahan.

 

“Ayun,kasama nya yung mukhang paa.Yung isang QA specialist sa isang department…Reggie ba yun? But anyway, I don’t want to talk about him…”

 

“Kasi mahal mo pa?” 

 

"Hay naku Benjie huwag mo nga ako ilagay sa spotlight,ikaw tong may sakit,sa'yo dapat ang atensyon"

 

Naputol ang usapin namin sa isang mahinang katok sa pinto.

 

“Good morning— Check ko lang records ng friend nyo.Sorry “ isang di kilalang boses ang nagpatigil sa usapan namin.

 

Dr.Marvin Hernandez M.D. Yun ang nakasulat sa kanang bahagi ng kanyang coat.Maaliwalas ang mukha nya.Sarap titigan habang binabasa nya ang mga nakasulat sa clipboard.

 

“Mr.Gener,medyo ok na ang mga vital signs nyo.You lost consciousness noong New Year,after an accident.Over-fatigue.Masakit pa ba ang sugat sa pulso mo?”

 

            “Medyo ok na.Gaano pa ba ako katagal dito”

 

            “Actually pwede ka na nga umuwi tomorrow.Later darating yung nurse to clean your wound.Sige thank you.”sabay ngiti ng doctor.

 

Parang aparisyon ang nangyari lumabas siya ng pinto at naiwan kaming nakatahimik.


MusicMar 14, '07 2:12 AM
for everyone
A tale of two sisters(Epilogue) Janghwa, Hongryeon OST Byung-woo Lee 

Blog EntryJan 5, '07 12:00 AM
for everyone

Abala ang lahat sa paghahanda  sa pagsalubong ng  isa na namang panibagong taon.Dala ko ang listahan ng mga dapat makikita sa hapag-kainan: walong pares ng prutas, walong pirasong chocolate coins,isang mangkok ng bigas, mga baryang panabog, ang hamonado (pero meron pa kaming tira noong pasko, kaya yun na lang).Mga pamahinging Intsik. hindi ko alam kung anong meron sa mga ito, .Hindi ako tsinoy, gusto ko lang maiba ang pagdiriwang na ito.Hinanda ko na rin ang mga dapat isuot sa gabi ng pag papalit taon: bagong underwear, bagong t-shirt. Buksan ang lahat pinto at bintana. Hayaan ang  gripo at ilaw na bukas kahit dalawang minuto lang. Ang  walong pirasong ubas kailangang isabit sa pangunahing pinto.Inuulit ko, hindi ako tsinoy, purong Batangueño na nakapagtapos sa Maynila.Wala naman sigurong masamang sumunod sa tradisyon.Tradisyon na di ko alam kung isang kalokohan or pamahiin na kapag sinunod na pinaniniwalaang nagbibigay ng swerte sa buong taon.

“Sabay-sabay po nating itaas ang ating mga wineglass, at simulan na natin  ang countdown…10…..9…8” mga tao sa telebisyon ay abala rin sa pagbobroadcast ng pagbibilang ng bawat sigundo sa pagpatak ng 2007

. Masayang masaya ang mga tao sa bahay.Kumpleto kaming lahat: si Kuya Ben, si Kuya Sid at si Celine kasama ang makulit na si Seedrik, ang una at bukod tanging apo ni Inay; si Jacob ang bunso sa aming magkakapatid.

Dumukot na ako ng mga baryang dapat kong isabog pagsapit ng alas dose…

Nagpuputukan na sa labas, nagsisiritan ang mga pailaw na lusis at ang nag-iingay ang bawat kapitbahay

"...5...4…” Ayan na malapit na,Binuksan ko na ang mga binta at pinto, kahit alam kong puro usok ng pulbura ang malalanghap namin at malamang kakapit sa aming kakaining Media Noche.

” 3….2….1” Bumunot ako sa aking bulsa nang isang bungkos na baryang tig-bebente singko, at isinaboy sa bawat sulok ng bahay…Tuwang tuwa ang pamangkin ko sa panabog nang mga barya…hanggang sa nakaramdam ako ng kirot sa aking kanang kamay…

 

“Tangina…”nasambit ko sa aking isip habang nakikita kong tumutulo ang dugo sa  na malapit sa pulso.tumingin ako sa bintanang jalousy.Basag ito sa gitna.malakas ang pagdanak ng dugo…Nanlalamig ako.?

 

"Diyos ko huwag ngayon…"

 

Sumugod ako sa banyo para hugasan iyon… hindi pa rin tumitigil ang pagtulo. Ito ba swerte hatid ng bagong taon?...

 

“Kuya namumutla ka…” sabi ni Jacob, habang nilalapatan nya ng benda at betadine ang hiwa.

Napalitan ng kaba at takot ang masayang paligid…Umiitim ang paligid…dumidilim…

 

“Kuya Ben,Kuya Sid…tumawag kayo ng taxi! Hinimatay si kuya Benjie!”